Miyerkules, Marso 16, 2011

Ang Mundo Ngayon

        Ang Mundo ngayon ay nakakatakot...ito'y mapanganib na para sa mga nilikha. Bakit ba nagkaganito na ang mundo natin ngayon..Noong unang panahon, ang ating kapaligiran ay tahimik, maayos, masarap tirahan, simple, hindi mapanganib..

 
        Ngayon, unti-unti nawawala ang kagandahan ng mundo..Hindi na ligtas saan mang lugar tumira..Nagkakagulo na ang ibang bansa.. lahat gusto ng kapangyarihan pamunuan ang isang bansa..Talaga bang ganyan ang mga tao, masyado (o sumobra) ng marunong para hindi na bigyan ng importansya ang ating mundo..unti-unti ng nasisira dahil sa pagtuklas ng iba't ibang bagay para lang umasenso..Hindi ba dapat unahin ang kalagayan ng mundo bago magtuklas ng panibagong teknolohiya na maganda nga para sa mga tao pero ito nama'y nakakasira ng mundo..ano ng mangyayari sa hinaharap, sa mga batang ngayon pa lang nakikita ang kagandahan ng mundo kung ngayon ay isa na itong mapanganib para sa kanila..kawawa naman ang mga bata, di na nila makikita ang kasimplehan ng mundo kung ngayon pa lang ay nasisira na ito..
      Noon ang mundo puno ng ligaya, ng masasayang alaala..walang malalang mga sakit, walang kasakiman, walang inggitan, lahat nasa ayos, lahat kuntento sa buhay...
       Ngayon, ang mundo, nakatira ang mga taong may inggit, mga sakim, dito mo makikita ang lahat ng krimen, mga malalang sakit, mga walang kasiyahan sa buhay,kaya kahit sa kamatayan, pinupusta ang buhay, anjan ang mahihirap na tao, walang makain, kahit bata pa, nagtratrabaho na para lang mabuhay, may iba kumakapit sa patalim para lang may ipambili ng bisyo o drugs,may kanya-kanyang adhikain sa buhay at gusto lahat bida,may mga sumasakop at ayaw pasakop,di kuntento sa buhay, tuklas ng tuklas ng kung ano ano pero di nila iniisip ang kahihinatnan nito pagdating ng araw...Hay naku, pano pa ang ating mundo kung ganito din ang mga taong nakatira..Tuloy sa dami ng makasalanan, pati ang walang muwang nadadamay sa gulo ng mga tao at ang mundo unti unti ng nasisira..Ito ba'y pahiwatig ng Diyos na dapat ng tigilan ang ganitong gawi ng tao,tama naman na tayong mga tao, matutunan ng bumalik sa Diyos at tayo'y magkaisa tungo sa pagdadasal na sana'y ibalik ng Diyos ang kasimplehan ng mundo, ibalik ng Diyos ang dating pag-uugali ng mga tao, na puno ng kasiyahan, kasimplehan, hindi sakim, hindi ganid sa kapangyarihan..ng ang ating mundo ay maging payapa at mabalik sa maayos na tirahan ng tao...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento